EXTENDED ng dalawang araw ang Application Period para sa ikatlong batch mula January 26 - 27, 2026.

Para sa mga aplikanteng nakaranas ng payment failure o error sa pagsusumite ng requirements sa website, bukas ang Manual Payment ng January 26 - 27, 2026 mula 8:00 AM - 3:00 PM. Mangyaring magtungo sa mga sumusunod na opisina:

  1. Main Campus (South) - Accounting Office
  2. Camarin Extension Campus (North) - Admin Office

Paalala lamang na hindi tatanggapin ang mga aplikasyon na may kulang o hindi kumpletong dokumento. Ang nakatakdang petsa ng pagsusulit para sa batch na ito ay gaganapin mula February 2 - 6, 2026.

Mangyaring maghintay lamang ng opisyal na resulta na ilalabas din sa UCC Facebook Page para sa ikalawa at ikatlong batch. 

Narito ang mga kinakailangang dokumento na dapat isumite:

  1. Senior High School Card (Form 138/Grade 11)
  2. Grade 12 enrollment certification or any similar documents 
  3. Proof of Residency 

At least one (1) of the following:

  • Voter’s ID or Latest Voter’s Affidavit (Parent or student)
  • Elementary Diploma
  • Junior High School Diploma
  • Senior High School Diploma
  • PhilSys ID of the Student (Caloocan Address)

Para sa karagdagang anunsyo at mahahalagang paalala, manatiling nakaantabay sa opisyal na Facebook Page ng UCC.

#UniversityOfCaloocanCity