Matapos ang masusing beripikasyon ng resulta at ng mga available slots sa bawat college program, ito na ang pinal na listahan ng mga aplikanteng kwalipikadong mag-enroll mula July 1 - 2, 2026, alinsunod sa college programs na nakatalaga at alinsunod sa available slots:

https://drive.google.com/drive/folders/14kemPFz1mTqjIA6XKsRKHrmcxf6lPacg

Mangyaring pumunta sa campus at sundin ang step-by-step process ng enrollment:

Step 1: Magtungo sa Admissions Office para sa Passer's Slip

Campuses:

  • UCC - Biglang Awa Campus, South
  • UCC - Congressional Ext. Campus
  • UCC - Camarin Campus
  • UCC - Bagong Silang Campus

Step 2: Sumailalim sa Interview ng Program Chair/Program Coordinator

Step 3: Kapag mayroon nang Adviser's Slip, magtungo sa Registrar's Office at isumite ang mga requirements:

  1. Birth Certificate 
  2. Form 138/Grade 12 Card
  3. Good Moral Certificate 
  4. Form 137
  5. 2x2 Picture (4 pcs)
  6. Passer Slip
  7. Adviser Slip
  8. Medical/X-Ray
  9. Long Brown & Plastic Envelope

Step 4: Kumuha ng Order of Payment at magbayad ng Miscellaneous Fee sa Cashier.

Step 5: Magtungo sa MIS Office para sa student portal at ID Processing

Step 6: I-print ang Official Enrollment Form mula sa AIMS portal at sundin ang class schedule

PAALALA: Para sa anumang katanungan o pangangailangan ng gabay sa panahon ng enrollment, mangyaring makipag-ugnayan nang maayos sa mga assigned personnel sa enrollment area. Hinihiling din ang pakikipag-ugnayan nang may respeto sa lahat ng kawani ng Unibersidad upang mapanatili ang maayos na proseso ng enrollment.

Muli, Congratulations sa lahat ng qualified applicants at maligayang pagdating sa University of Caloocan City!


#BeWISE

#UniversityOfCaloocanCity