Bilang bahagi ng paghahanda sa pagpasok sa propesyonal na mundo, hinihikayat ang bawat graduating student (4th Year Students) na makiisa at aktibong lumahok sa nakatakdang Job Fair ng unibersidad.

Hindi lamang ito isang requirement para sa graduation, kundi isang mahalagang pagkakataon upang masimulan ang inyong career journey, makilala ang mga potensyal na employer, magkaroon ng karanasan sa initial interviews, at matutunan ang mga praktikal na hakbang sa paghahanap ng trabaho.

Kaya naman, ihanda ang inyong mga dokumento, baunin ang inyong confidence, at sulitin ang pagkakataong ito upang mas mapalapit sa inyong mga pangarap!

Mga kailangang dalhin:

  • Updated Resumé
  • Valid Government-Issued ID
  • Photocopy ng Valid ID

Para sa schedule ng Job Fair, mangyaring tingnan ang larawan.

#BeWISE

#UniversityOfCaloocanCity